Monday, April 8, 2019

Precious Hearts Romances hold Grand Fans Day

The leading Filipino romantic book publishing house once again hold their traditional Grand Fans Day last March 30, 2019 at Precious Pages Corp building in Quezon City, called “Dito Ka Masaya” is biennial event of Precious Heart Romances dedicated only to their loyal readers, a chance to meet their favorite authors plus a chance for them to sign their books.

“Every after two years hindi namin to nakakalimutan, kasi  for the readers gusto naman naming mag-give back, kasi mahilig sa engagement yung mga readers, gusto nila makita yung mga writers, nagsusulat behind those stories, characters na na-inlove sila, so it’s their time,  ginagawa namin etu dati sa mall, ngayon my tahanan na yung mga writers.” Said by Segundo Matias, owner and publisher of PHR.
Mr. Segundo "Jun"  Matias, Jr
From the years they started, PHR is dedicated in bringing stories that capture the Filipino’s taste for entertainment, mostly love and romantic stories, it was given an airtime before in ABS-CBN as a soap opera base on their publish books, even until now rosters of young writers continue are being discovered and given a chance by PHR.

“Si Patricia Gil, sya yung nakasama ko nagsabi sa akin about pocketbooks, like any other business naging dalawa, tatlo, apat tapos 25, at ngayon we publish 40 titles a month, what is PHR now we try to evolve, we try to embrace change kasi hindi kami naniniwala na dapat maging Jurassic, yung mga writers noon at ngayon we encourage them to write timeless stories na classic, na hindi mawawala sa panahon, sa generation ngayon.” Matias say
PHR admit they are getting their pool of writers usually from Wattpad and Booklat, these are online book platform where anybody can share and post their stories, once they like a certain post they contact the authors and screen them in terms of quality, as per Matias they are not looking for writers who have big followers, PHR are more on quality stories.

And if you’re reading this, and aspire to be a book writer or want to publish your romantic novel, you may shoot them an email at ed2rialstaff@gmail.com
PHR Authors with Sir Jun Matias
“Hindi totoong hindi nagbabasa ang mga Pilipino, di ko alam bat ganun tingin nila sa atin, in my experience ever since for more than 20 years, Filipinos read, I have a feeling na we are one of the Top 10 readers in the whole world, mahilig tayo magbasa, it’s just that nung araw siguro mahal ang libro, ngayon digital na kaya madali na.” Matias said in closing. 
Precious Hearts Romances Book Plots and Authors for 2019

1. Time After Time by Rose Tan
Olivia was a sixteen-year-old girl who passed out on the night of her prom. It was 1988. Nang magising siya, 2005 na at walang alaala sa mga nangyari sa kanya. Nakilala niya roon si Micky, isang binata na parang pamilyar na pamilyar sa kanya. Kasama niya si Micky sa pagtuklas sa tunay na nangyari sa kanya. Pero para magawa iyon, kailangang bumalik ni Olivia sa nakaraan…

2. Diyosabelle by Vanessa
Isang aliping sirena si Diyosabelle. Hindi simple ang pangarap niya—iyon ay ang maging prinsesa ng kaharian nila. Kaya sumali siya sa contest na ang mananalo ay ang magiging susunod na prinsesa. Sa libo-libong hopefuls, isa siya sa naging finalists. Pero nang malapit na ang finals, saka naman siya isinumpa at paggising ay tao na siya. Sa pagiging tao, nakilala niya sina Art at Zeke. Samahan si Diyosabelle sa kanyang wet and wild adventures—mula sa ilalim ng karagatan, hanggan sa kalupaan, kung saan rumarampa siya nang naka-two piece swimsuit kahit food is life.

3. Heart of Glass by Sonia Francesca
Rafael dela Merced was an extreme sports enthusiast, a genius businessman, billionaire, and a philanthropist. He was admired by men and adored by women. But he was different. Hindi ordinaryo ang puso niya. It was a heart of glass. At may kondisyon ang pagkakaroon niya ng ganoong puso. He can never fall in love. Hindi iyon kakayanin ng puso niya.

Mae needed money, kaya tinanggap niya ang trabahong bantayan si Rafael at siguruhing hindi ito mai-in love kapalit ng two million pesos. Dali-dali niyang tinanggap ang alok ng uncle ni Rafael.

Pero nagbiro ang tadhana. Rafael fell for Mae at ganoon din si Mae sa lalaki. Rafael had the one he should never have and always wondered about. Should he live life to the fullest? Or embrace death in love?

4. Stallion Revisited 12: Lucas Villanueva by Sonia Francesca
“We are not friends,” ang paboritong linya ni Lucas tuwing umaariba ng kakulitan si Melfay sa kanyang kababata. Pero kahit kailan, hindi siya napipikon, lalo na at hindi rin naman siya nito itinataboy palayo. Pero nang minsang mabanggit ni Melfay na gusto na niyang magkaboyfriend, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. “Why would you go out with ugly people?” ang linya na ni Lucas.

Nainis siya kaya binitiwan na niya ang pakikipagkaibigan sa kababata. His reaction: “I’m kinda celebrating a little `coz you’re throwing me out as your friend. Finally.”

Melfay lost her snobbish friend. What was left was a flirty Stallion boy. Dapat ba siyang magreklamo? Lalo na at bata pa lang sila, si Lucas na ang kanyang center of affection?

5. Taming the Brash Princess by Sofia
Isang heiress si Nadine, pero Class A troublemaker. Siya rin ang major headache ni Miller. His job is to make sure she doesn’t mess up. Can his heart take the challenge? But who will tame whom?

6. #SoBad Series: Iza by Dawn Igloria (A PHR Grand Fans Day Release)
Niloko si Iza ng f*ckboy pala niyang boyfriend. Para makaganti, ipinakulam niya si Bjorn sa maladiyosa sa kagandahan na si Madam Virukka. Kaya lang, pumalpak ang kulam. Sa halip kasi na lumiit ay lumaki nang three times ang “you know what” ni Bjorn. Sa gitna ng palpak na pangkukulam ni Madam Virukka, nakilala ni Iza ang chubby bakeshop owner na si Gino. Binago ng lalaki ang pananaw niya sa kahulugan ng love at love relationship. Mabilis na nahulog ang loob niya kay Gino. Pero may claim na pala rito ang magandang mangkukulam.

7. #SoBad Series: Petra by Belle Feliz (A PHR Grand Fans Day Release)
Atat nang mag-asawa si Petra pero hindi siya niyayaya ng boyfriend na magpakasal. Mas interesado pa kasi si Mark sa pagpapapayat—at sa trainer pala nito! Sa sobrang galit, nagpasya siyang ipakulam si Mark. Sinamahan at pinautang pa siya ng pera ng kaibigang si Daniel. Ang problema, ang gamit na naibigay niya sa mangkukulam ay iyong kay Daniel. Sa madaling-salita, si Daniel, ang kaibigan niyang terrific and awesome, ang nakulam.

8. #SoBad Series: Raia by Victoria Amor (A PHR Grand Fans Day Release)
Not once, not twice, but thrice nang niloko si Raia ng boyfriend. Sa pangatlo, half sister pa niya ang pinatulan. Kaya ipapakulam niya si Armand nang hindi na makapambabae. Pero para daw maging effective ang pangkukulam, kailangan niyang makatulog nang mahimbing at para maging posible iyon, inirekomenda ni Madam Mangkukulam si Seb na isang professional cuddler. Ang gagawin ni Seb, yayakapin lang naman siya magdamag. Dahil nga gusto niyang gumanti… at magpayakap na rin sa lalaking saksakan ng guwapo, pumayag siya. Pero paano na kapag natapos ang yakapan sessions? Ramdam niya kasi, malapit na siyang ma-fall kay Seb.

9. #SoBad Series: Mina by Dream Grace
Sumama ang groom ni Mina sa kaibigan niyang isa sa mga bridesmaid. After a year, nagbalik si Kyle, humihingi ng tawad at gustong makipagbalikan. Para tantanan na ni Kyle, ipinakilala niyang boyfriend si Gideon Moore. Hanggang sa ang pagpapanggap ay nauwi sa totohanan at kasalan.

Pero nagbalik ang ex-nililigawan ng kanyang asawa at ayaw lumayo—at parang ayaw ring layuan ni Gideon. Kaya kasama ang biyenang babae, sumangguni si Mina sa isang mangkukulam para humingi ng gayuma nang hindi na pansinin ng asawa ang babaeng lintang dikit nang dikit dito.

10. LOVE, YOUR CRAZY EX-GIRLFRIEND by Heart Yngrid
Kalilipat pa lang ni Adonis sa condo unit niya, hanggang bigla na lang siyang nakatanggap ng mga sulat mula sa isang babaeng in love na in love pa rin sa ex-boyfriend na malapit nang ikasal. This was the type of woman Adonis didn’t want to date. Obviously, para sa dating tenant ang mga sulat na iyon. Sa mga sulat, ipinaaalala ng babae ang masasayang alaala nila ng ex-boyfriend, ang mga pangakong binitawan sa isa’t isa, at future plans na hindi nagkaroon ng katuparan. The woman had one objective: ang balikan siya ng ex. Ah, this woman is crazy… bordering on psychotic, Adonis thought. Then one day, he saw the girl standing outside his doorstep. Holy shit!

11. Golden Heart by Maricar Dizon
Sino’ng mag-aakalang ang isang tulad ni Wilma na napakaganda at unti-unti nang nakikilala sa career bilang VJ-turned TV host ay mapo-fall kay Cenon, who was 25 years her senior? Not that he looked his age; Cenon was 50, but aged like fine wine. Although malakas ang attraction sa pagitan nila, hindi iyon in-entertain ni Cenon. Marami nang babaeng nagdaan sa buhay niya, at ayaw na niya ng sakit ng ulo. Pero gusto ni Wilma na magkaroon sila ng relasyon. Eventually, sumuko si Cenon. Sa kabila ng mga humahadlang at pumupuna sa kanila, napanatili nila ang katatagan. Pero isang pangyayari sa nakalipas na parehong may kaugnayan sa kanila ang susubok sa kanilang pagmamahalan…

12. Miss Danger Finder by Luna King
Rara could smell dangerous people. At gagamitin niya ang ability na iyon para mahanap ang isang delikadong tao. At sa paghahanap na iyon ay nakilala niya si Geeq—ang head ng university kung saan siya nag-aaral. He was also searching for the same person that she was looking for. But Rara couldn’t tell if Geeq was good or bad because she couldn’t smell him. Fine—he’s handsome, smart, sexy, strong, cool, witty, thoughtful, and very gentle. But still…

Looks could be deceiving, right?

13. The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 11: Nathanael Luther by Venice Jacobs
Hindi akalain ni Chloe na kung sino pa ang taong nagdiin at isa sa mga nanghuli sa kanyang amang naakusahang mamamatay-tao ang siyang tutulong sa kanya: si Nathanael Luther, a snobbish, cold man. Nathaniel was a private investigator and also her... boss. Sa pagdaan ng mga araw, unti-unti niyang nakita ang kabutihan ng lalaki. Eventually she fell in love with him.

Everything was going well until someone from his past came back, isang tao na makasisira sa lahat ng mga pangarap niya kasama si Nathan. Isang tao na mas may karapatan sa lalaki kaysa sa kanya...

14. SCIU Case Files Series No. 1-Alone by Venice Jacobs There ís a monster on the hunt for its prey: children.
Senior Inspector Lizette Salcedo knows how victims feel dahil napunta na siya sa ganoong sitwasyon. At nakabangon siya at handang tumulong sa mga naghahanap ng hustisya. Maaasahan naman niya ang mga kasama, lalo na ang team leader na si Major Kevin Pascua na kilala niya noon bilang taong-bato: walang emosyon, pero may matinding pagmamalasakit pala sa lahat, lalo na sa mga biktima. The team has a “black sheep” though: si Inspector Joshua Sann, a great profiler who embodies violence and arrogance. They need to find and rescue the innocent victims. But will they be able to hold down the monster who abused them?

15. The Last Warrior Batch 2: City of Blinds Book 2, Crossroads by Spring Mendez
Napadpad si Haji sa kaharian ng Galeridus para sa dalawang misyon: una, ang wakasan ang sabwatan ng mga ganid na opisyal; pangalawa, patayin ang taong may badya ng panganib sa lahat ng kaharian. Hindi pa nagmintis sa mga hinawakan niyang misyon si Haji. Pero noon iyon, bago niya nakilala si Alethea, ang misteryosang babaeng may mga dikilalang kaaway. Unang beses pa lang nakita ni Haji si Alethea na nakikipaglaban sa royal match ay nakuha na agad nito ang atensiyon niya. Sunod-sunod ang mga naging pagbabago sa mga plano niya. Bago pa namalayan ni Haji, nakikipaglaban na siya sa bawat laban ni Alethea, maprotektahan lang ito. He was the happiest man alive when he won not just the war, but also Alethea’s heart. Pero hindi nagtagal iyon nang matuklasan niyang si Alethea ang kaaway… And killing her is his only option.

16. Dangerous by Cady Lorenzana
Daniela found out that she was a werewolf, a rare and dangerous one. Ang mga tulad niya ang maaaring magpabagsak sa lahi ng mga taong-lobo sa isang kisapmata lang. Isa ring werewolf si Ronan, the man she loved. Tulad niya, naghahanap din ito ng paraan para bumalik sa pagiging tao.

Pero nagsimula nang magustuhan ni Daniela ang mundong kasama ang mga taonglobo. Pero hindi si Ronan. At kapag naging tao ito, hindi na sila magkakasama… Because a werewolf cannot fall in love with a human.

17. The Legendary Devils Trilogy 1: The Accidental Hero by Cranberry Laurel
Nakaranas si Kaye ng mga patong-patong na kamalasan sa buhay, kaya ang naging solusyon niya, mag-summon ng anghel o demon. She believed in immortality, fountain of youth, demons, angels, vampires, and anything superstitious. Pero noong nagsa-summon na si Kaye, nanganib bigla ang buhay niya at aksidenteng iniligtas siya ng natawag na demon—si Demetineirre, ang demon leader ng 66th legion sa underworld!

Dahil kay Dem, nabawasan ang stress at lungkot ni Kaye sa buhay. Bigla tuloy may bumangon na mga emosyon sa kanyang puso. Bakit siya kinikilig, naaaliw, at natutuwa kay Dem? He was demon!

18. Once Upon a Time Trilogy Book 1: CORDELIA by Lush Ericson
Isa lang ang pangarap ng magkakaibang mangkukulam na sina Cordelia, Cromuella, at Cassandra: ang makapag-asawa ng prinsipe. Pero nang magkaroon ng pagkakataong gumanda at magpaibig ng prinsipe, sa ibang lalaki naman kinilig si Cordelia: kay Kael, ang guwapo at mapang-asar na kanang-kamay ni Prince Charming. Pero isang hatinggabi, nakita ni Kael ang totoong anyo ni Cordelia. Paano na niya mapapaibig si Kael kung galit na ito sa kanya at ang tanging gusto na na lang ay parusahan siya…

19. After Death by Gazchela Aerienne
Fleure committed suicide; siya kasi ang dahilan kung bakit namatay si Helios, ang lalaking minamahal niya. He was an astral vampire, o iyong mga bampira na kumakain ng blood energy sa panaginip ng mga mortal. On the way to afterlife, she found out that the vampire did not die. Kaya nakipag-deal si Fleure sa kanyang soul reaper para mabalikan si Helios at makahingi ng tawad. Pero tuso ang soul reaper. Nakabalik nga siya sa mundo ng mga buhay, pero hindi naman niya maalala kung sino talaga siya.

20. Till We Meet Again by Aya Myers
Denjel fell in love with her best friend Toru. Hindi niya naipagtapat ang nararamdaman kay Toru dahil bigla itong namatay habang nasa serbisyo bilang isang sundalo. Hanggang sa mabasa niya ang sulat nito para sa kanya na nagsasabing pareho pala sila ng nararamdaman.

Akala ni Denjel ay hindi na sila magkikita. Until she saw him again standing a few meters away from her. He was alive. Or was he? Dahil kitang-kita niyang inilibing nila ito three years ago.

21. Assassins Batch 2 Book 2: Law, Supid Love by Tyra
Nakilala ni Freya si Law nang pansamantala niyang pamahalaan ang vet clinic ng kanyang best friend sa Masbate. Law was one of the players of Assassins FC, the famous football team in the country; bunsong anak ito ng may-ari ng rancho na pinupuntahan niya kada linggo. Matagal nang hindi umuuwi roon si Law simply because he couldn’t stand the fact that the girl he loved for ten years was about to marry his own brother.

Despite Law’s being expressionless and emotionless most of the time, Freya felt that there was kindness and gentleness in him. Dahilan para mahulog ang kanyang puso sa lalaki.

Pero ano ang laban ng ilang linggo nilang pagkikilala sa ten-year unrequitted love nito?

22. The Queen Series 1 - The Queen of Heralds by Ashlene Javier
Cerise Lopez was the editor in chief slash queen bitch of The Philippine Herald, a national broadsheet owned by the Delgado family. Ilag ang halos lahat sa kanya, including her publisher Julian Luis “Ledge” Delgado.

Pero biglang nagulo ang mundo ni Cerise habang nag-iimbestiga sila sa masalimuot na mundo ng isang sindikato. She suddenly found her condo unit trashed by unknown people, getting two of her beloved cats killed. Kinailangan niyang makitira sa bahay ni Ledge para sa kaligtasan niya at ng mga alagang pusa. Huli na nang ma-realize ni Cerise na mayroon pala siyang hindi nagawang paghandaan: ang pagkahulog ng puso niya kay Ledge. And getting used to having Ledge around was simply a trip bound for heartbreak…

23. TOG 5: Smart Tactless Fangirl by C.D. de Guzman (FrustratedGirlWriter) 
Nagpunta si Pamela sa Cebu para bawiin ang lupang minana ng ina. Pero nalaman niyang naibenta na pala iyon ng mga kamag-anak nila—kay River Avilla, ang sikat na car racer na hinahangaan ni Pamela. Pero may mga kondisyones si River bago ibalik ang lupa— kailangan daw niyang mamasukan munang maid dito. Pumayag si Pamela.

Pero mahirap palang makasama sa iisang bubong ang taong hinahangaan nang sobra-sobra. Masyadong malapit sa tukso. At natukso si Pamela. Pero napaso rin agad siya nang matuklasang kaya nagpapakaermitanyo si River sa tagong bayan ng Cebu ay dahil hindi pa pala ito nakaka-move on sa dating pag-ibig na kasal na sa ibang lalaki.

24. The Friendly Wedding by C.D. de Guzman (FrustratedGirlWriter)
Sapphire, a certified “man-hater” is on a quest for a groom na puwede niyang maging asawa sa loob ng isang taon. Iyon lang ang paraan para makuha ang parte ng kanyang mana mula sa yumaong lola. Si Johann Anderson ang susi sa lahat—anak-mayaman, pogi, may takot sa Diyos, at punong-puno ng sense of humor. Pero walang abs! Brokenhearted din ito. Okay, she was safe. Hindi siya mai-in love kay Johann. Pero bakit nang kasal na sila at nakatira sa iisang bahay, feeling ni Sapphire lagi siya nitong inaakit? Akala ba niya, brokenhearted? Nagpapaka-friendly lang daw, depensa ni Johann. Saan banda ang friendly doon, kung lagi itong palakad-lakad sa bahay nang naka-topless?

25. BHO CAMP 2: The Rockstar’s Personal Assistant by MsButterfly
Dahil sa isang pustahan, nagulo ang dating tahimik na buhay ni Freezale. As an agent of a secret organization, wala siyang choice kundi ang maging personal assistant ng ultimate playboy na si Lucas Darryl King para malaman kung sino ang taong nagtatangka sa buhay nito.

She was the “coldest” person on Earth, according to her friends and cousins kaya hindi uubra sa kanya ang mga banat ni King.

Pero isang araw, may narinig ni Freezale na isang bagay na bago sa kanya-- the beating sound of her frozen heart. At tumitibok iyon nang malakas kapag nandiyan si King.

26. Under Pleasure by Princess Cordova (CengCrdva)
Pangarap lang ni Juliana si Jacob Seth Vergara Delaney. Pangarap na imposibleng maabot dahil sa estado ng buhay nila. Imposible, hindi match, at malabo. Isa lang siyang katulong sa pamilya Delaney. Nakatingala, nakasunod, at papangarapin na lang si Jacob habang-buhay. Pero paano kung isang araw, magkaroon ng tiyansa ang malabo, hindi match, at imposible?

27. Loved You First by N.N. Manalo (IHeartThisGuy)
Tama na raw na nagmahal si Lizette nang isang beses. Pero after seven long years, bigla niyang nakita si Zeke. Alam niyang marami nang nagbago at hindi na ito ang lalaking minahal niya noon. Sigurado siya, napatawad na niya ito. Hindi lang siya sigurado kung mahal pa niya si Zeke—ang lalaking pagkatapos niyang mahalin ay iniwan lang siya. But this world was indeed full of uncertainties. Dahil nang makasama uli ni Lizette si Zach, narealize niya na hindi pala siya tumigil sa pagmamahal sa lalaki.

Ang tanong na lang ngayon ay kung puwede pa ba sila o puwede na uli sila?

28. Zedvage Assault by Jian (4reuminct)
Kilala si Prinsipe Jaxvien Leo Titus bilang isang mabait, mapagkumbaba, at matalinong prinsipe ng kaharian ng Kassanight. Pero ang totoo, isa siyang killer na tumatanggap ng mga misyon galing sa Zedvage, a secret society of killers. At iisa lang ang misyon ni Jax, ang mahanap at patayin ang mastermind ng royal crime na naganap sa palasyo, ilang taon na ang nakararaan.

Pero may nakialam sa misyon na iyon—si Chiara Zylphire Vale. At habang tumatagal parang si Chiara na ang nagiging misyon ni Jax. Parang ang gusto na lang niya ay protektahan ang babae.

Hanggang isang araw, parang sinampal ng realidad si Jax nang ang lahat ng mga ebidensiya sa totoong misyon niya ay isang direksiyon lang ang pinapatutunguhan—kay Chiara…

29. All Strings Attached by Jessa Audrey (asdfghjess)
Dumating si Mira sa punto na napagod na siya sa paulit-ulit na pambababae ni Troy, ang boyfriend niya for four years. Sakto namang dumating sa buhay niya si Adam, ang lalaking nag-offer na sagipin siya from her asshole boyfriend. Okay lang kay Adam kahit second choice lang ito sa buhay niya. Kaya pumayag siyang pumasok sa intimate relationship with Adam kahit boyfriend pa rin niya si Troy. Ang alam kasi ni Mira mahal pa rin niya si Troy... o in love lang ba siya sa ideya ng long-term relationship nila? In the end, dalawang tao na ang nasasaktan ni Mira at kailangan niyang piliin ang lalaking mas matimbang sa puso niya.

30. K-High by Cyan (ExordeXVII)
Galing si Auriel sa isang ordinaryong pamilya kaya ganoon na lang ang gulat niya nang malaman na ang eskuwelahan kung saan siya ipinasok ng mga magulang ay isa palang training ground para sa mga assassin. Labag man sa loob niya noong una, napilitan na rin si Auriel na makipagsabayan sa mga estudyante roon para maipaghiganti at maipagtanggol ang mga taong naging mahalaga na sa buhay niya.

31. Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa by Chin-chin Cruise
Nagbago ang buhay ni Rei, isang simpleng college student nang makilala niya ang bagong transfer student sa kanilang university, si Sage Elizalde. She found out that he was a five-hundred-year-old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. Sage found her blood highly addictive as if he couldn’t get enough of her.

At habang nakakasama niya si Sage, unti-unti niyang nadi-discover ang mga sekreto ng kanyang pagkatao at ang kanilang intertwining destiny.

32. GANGSTERS VS ASSASSINS by XavierJohnFord
Xavier Villareal is a gangster who is looking for the one who killed his beloved. Xyrene Coltrane is an assassin who is seeking for answers why her man has been taken away just like that.

Dalawang taong naghahanap ng hustisya. At ang tanging paraan para makuha iyon ay ang pagsali sa isang battle ng dalawang magkaibang entities ng underground society. At nagsimula ang isang labanan—gangsters vs. assassins.

Sa pagkakataon ding ito, masusubukan kung uubrang muli ang kapangyarihan ng pag-ibig para mangibabaw ang kapayapaan…

These books are all available in your favorite bookstore or you can order it online via http://www.phr.com.ph/home/ 

No comments: