Philippine Stagers Foundation latest offering for 2015 is
#Popepular, it is now travelling from Metro Manila to other Cities in the
Country, and abroad soon. To explain further the story, plot and the real
essence of this highly talked production, I decided to publish note for note
the synopsis of this one of a kind stage play. The said synopsis as publish in
the playbill of #Popepular is written in Filipino.
Synopsis:
Pa’no ng aba kung Filipino si Francisco? Pa’no kung
nakakapagsalita sya ng Tagalog? Pa’no kung alam nya ang mga sakripisyo’t
pagpupunyagi ng ating lahi? Pa’no kung alam niya an gating kasaysayan at
willing siyang maging catalyst para sa pagbabago?
Haaay, napakaraming pa’no! Pero sa pamamagitan ng isang
dula lamang posibleng magkatotoo ang mga pa’no na yan. Pa’no naman kasi
magiging Filipino si Francisco, eh pinanganak siya sa Buenos Aires, Argentina,
naging arsobispo noong 1998, naging Cardinal noong 2001 at naging Santo Papa
noong 2013. Sa pamamagitan ng dula, maaari tayong magkunwari, maaari tayong
mandaya, maaari tayong mangarap. Iyan na marahil ang tinaguriang “Artistic
License”. Pero matagal na kasing mabisang mediyum ng edukasyon ang sining. Kung
sa thesis ay may hypothesis, ga’non din ang dula: May “What ifs”. At sa mga “What Ifs” na yan tayo maaaring
makatuklas ng astig nap ag-aaral, na maaari din nating ‘reference’ sa pagharap
sa hamon ng buhay. Malay mo, makatuklas tayo ng mga solusyon sa mga
pangkasalukuyang suliranin ng mga Filipino. Aba’y mainam din kasing isipin na
mayroong “Pope Francis” sa bawat isa sa atin; na sa bawat magandang katangian
niya’y maaari rin tayong maka-relate: mga simpleng pahaging tulad ng “Uy, parang ako yun” o kaya naman “aba,
napaka-human din pala ni Pope”.
Samakatuwid, ang dulang ito ay hindi lamang simpleng
paglalahad kung ano ang biography ni Pope Francis. Mas mahalaga ditto ay ang
pagsagot ng isang tanong: Pa’no kung Filipino ang popular na Pope? Sasagutin ng
dula ang tanung na ito sa pamamagitan ng iba’t ibang buhay ng limang makabagong
bayaning Filipino at kung ano si Pope sa mata nila.
Joey Velasco: ang namayapang Filipino painter sa edad na
43. Tinaguriang “Heart-ist” na puminta ng “Hapag ng pag-asa”, ang makabagong
The Last Supper kung saan nasa gitna ang Panginoong Hes’ukristo at ang mga
gutom na street children bilang ang 12 apostoles.
Kristel Mae Padasas: Ang Filipina Volunteer ng Catholic
Relief Services (CRS). Nagbigay serbisyo sa pagdalaw ni Pope Francis sa
Tacloban. Napaslang nang mabagsakan ng gumuhong scaffolding na pinapatungan ng
malalaking speakers.
Dr. Edgardo Gomez: Pinarangalan bilang National Scientist
of the Philippines noong 2014 sa kanyang pagprotekta sa mga coral reefs,
particular ng mga taclobo o giant clams at ang pagbibigay ng edukasyon sa bawat
Filipino ng importansya ng marine life.
Ronald Gadayan: Ang mahirap na Janitor sa NAIA na
nagsauli ng bag na naglalaman ng 1.8 Million worth ng mga alahas at cash.
PO1 Mark Lory Clemencio: Kabilang sa 44- “Tagaligtas”
Special Action Force na napaslang sa Mamasapano.
Ang mga makabagong bayaning Filipino ay di lamang nagpakita
ng labis na tapang, pagkakawanggawa at pagtulong sa kapwa, pag aalay ng buhay
para sa bayan, pagiging tapat at katalinuhan kundi ang pinakamahalaga ang
malakas na pananampalataya sa Panginoon na naging sentro ng kanilang
kabayanihan. Ito ang pinakamahalagang katangian na naglapit sa kanila sa buhay
ng Santo papa.
Marami mang talambuhay ang ipapakita sa dula, sesentro
ang lahat ng kanilang intension, mithiin at layunin sa buhay ni Pope; isang
paghahalintulad sa kanilang sariling buhay at ang pagsagot sa katanungang “Pa’no
kung Filipino si Francisco”.
Ilalahad sa dulang ito ang mga sumusunod na pangyayari sa
buhay ni Pope Francis:
1.
Ang kanyang Personal na buhay
2.
Ang kanyang pre-papal life;
a. Bilang
isang bouncer sa bar
b. Bilang
isang mag-aaral
c. Bilang
isang Heswita
d. Bilang
isang Bishop
e. Bilang
isang Cardinal
3.
Ang mga kontrobersya sa Argentina, particular sa
“Dirty War”
4.
Ang kanyang relasyon sa ibang religious communities
o interfaith Dialogues.
5.
Ang paghirang sa kanya bilang Santo-Papa
a. Mga
Turo at pilosopiya
b. Mga
posisyon sa samu’t saring isyung pangkasalukuyan
c. Ang
kanyang public image
Samakatuwid, ang dulang ito ay ay isang mabisang
pagsasanib ng kasaysayan, Relihiyon at Current Events ng mga Filipino; Isang
pambihirang paglalahad na sasaliwan ng sining pagtatanghal upang maabot ng
makabagong henerasyon. Isang pag-gamit sa sining upang maabot ang layuning “educ-ainment”;
ang pag aliw para matuto.
 |
The Cast of #Popepular. |
Gagamit ng orihinal na musika, kakaibang galaw,
makatotohanan at simbolikong kasuotang pang entablado, moving set at lavish
props, gagnapan ng limangpung artistang pang entablado. Ang dulang may musikang
ito ay pinakamalaking produksyon na itatampok ng Philippine Stagers Foundation.
 |
Atty. Vince Tanada and the Stagers. |
Comments